National
Marcos, walang planong mag-resign, ayon sa Palasyo
Walang planong magbitiw sa kaniyang posisyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa Malacañang nitong Biyernes. Kaugnay ito sa mga pahayag mula sa kampo ni Vice President Sara Duterte na handa itong pumali
লেখক GMA News79K বার পড়া

Walang planong magbitiw sa kaniyang posisyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa Malacañang nitong Biyernes. Kaugnay ito sa mga pahayag mula sa kampo ni Vice President Sara Duterte na handa itong pumalit sa puwesto.
“Unang-una, walang magre-resign,” sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa GMA News’ Unang Balita.
“Wish lang nila 'yon dahil ang Pangulo tumutupad sa kaniyang tungkulin at nagtatrabaho para sa bayan, sa bansa, at sa taumbayan. So kung wish nila na magre-resign ang Pangulo, I'm sorry,” dagdag niya.



