Nais ng House prosecution panel na iharap si Vice President Sara Duterte bilang "testigo" sa sarili nitong impeachment trial. Bagay na tinutulan naman ng panig ng depensa.
Ipinaalam ni private prosecutor Lorna Kapunan sa Senate impeachment court nitong Martes ang kanilang posisyon sa Day 23 ng impeachment trial ng bise presidente. Ginawa nila ito habang tinatapos ng prosekusyon ang paglalahad ng mga ebidensya para sa Article 1 ng Articles of Impeachment.