National
Babaeng sinimulan nang ipagluksa ng pamilya na kabilang sa mga nawawala sa flash flood sa Nepal, natagpuang buhay
Dahil sa paniniwalang hindi na nakaligtas ang isang matandang babae na kabilang sa mga nawawala sa mapaminsalang pagbaha sa Nepal, sinimulan na ng kaniyang pamilya ang ritwal ng pagluluksa para sa “pagkamatay” niya.
লেখক GMA News200K বার পড়া

Dahil sa paniniwalang hindi na nakaligtas ang isang matandang babae na kabilang sa mga nawawala sa mapaminsalang pagbaha sa Nepal, sinimulan na ng kaniyang pamilya ang ritwal ng pagluluksa para sa “pagkamatay” niya.
Pero pagkaraan ng sampung araw na paghahanap sa mga biktima ng sakuna, natagpuang buhay ng mga rescuer sa loob ng gumuho at nawasak niyang bahay sa Betrawati ang matandang babae na si Chandika Kumari Shrestha.

