National
2 DPWH engineer, sinibak sa puwesto dahil sa pagkamatay ng lalaking nahulog sa butas na drainage sa Pampanga
Sinibak sa puwesto ni Public Works Secretary Vince Dizon ang dalawang district engineer sa Pampanga dahil sa umano’y kabiguang ipatupad ang mga hakbang para kaligtasan ng mga tao sa kalsada. Kaugnay ito sa pagkasawi ng i
লেখক GMA News153K বার পড়া

Sinibak sa puwesto ni Public Works Secretary Vince Dizon ang dalawang district engineer sa Pampanga dahil sa umano’y kabiguang ipatupad ang mga hakbang para kaligtasan ng mga tao sa kalsada. Kaugnay ito sa pagkasawi ng isang lalaking nahulog sa butas na drainage sa Angeles City, Pampanga na hindi makikita dahil sa lubog sa baha ang lugar.
Sa isang memorandum na inilathala sa official DPWH page, kinilala ang mga tinanggal sa puwesto sa Pampanga 3rd Officer-in-Charge District Engineer na si Aser S. Mallari at OIC Assistant District Engineer na si Augustin R. Dagsaan, Jr.

