Entertainment
Jopay Paguia, may maigsing pahayag tungkol sa umano'y alitan nila ni Rochelle Pangilinan
Nagbigay ng maigsing pahayag si Jopay Paguia tungkol sa umano’y alitan nila ng lider ng SexBomb Girls na si Rochelle Pangilinan.
লেখক GMA News Online79K বার পড়া

Nagbigay ng maigsing pahayag si Jopay Paguia tungkol sa umano’y alitan nila ng lider ng SexBomb Girls na si Rochelle Pangilinan.
Sa episode ng “Kalurks” nitong Linggo, na panauhin sina Viva Hot Babes na sina Maui Taylor, Katya Santos, at Andrea Del Rosario, nagpadala si Jopay ng maikling pahayag kay DJ Jhai Ho.
Bagaman sinabi ni Jopay na wala siyang komento tungkol sa usapin ng umano’y alitan nila ng kapuwa miyembro ng SexBomb, sinabi niya na, "Let’s just let Rochelle do the talking. Basta kung saan siya masaya, support tayo.”



