National
Working student na galing sa trabaho, patay sa pamamaril habang sakay ng motorsiklo sa Batangas
Patay ang 22-anyos na lalaking working student matapos pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa San Jose, Batangas. Ang biktima, galing sa pinapasukang trabaho nang sabayan sa daan ng mga salarin na nakasakay din sa mo
By GMA News151K reads

Patay ang 22-anyos na lalaking working student matapos pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa San Jose, Batangas. Ang biktima, galing sa pinapasukang trabaho nang sabayan sa daan ng mga salarin na nakasakay din sa motorsiklo.
Sa ulat ni Dano Tingcungco sa GMA News Saksi nitong Lunes, ipinakita ang video footage dakong 9:00 pm habang binabagtas ng biktima ang national highway sa bahagi ng Barangay Banay-banay II, nang madinig ang ilang putok ng baril.



