National
Prosekusyon, Hiniling sa ICC na isama ang mga naunang testimonya ng 5 saksi sa kaso ni Rodrigo Duterte
Hiniling ng prosekusyon sa kaso ng dating pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes sa International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III na payagan ang mga naunang naitalang testimonya ng limang saksi bilang ebidensya.
By GMA News74K reads

Sa isang 12-pahinang dokumento, kung saan pinost ang isang redacted version sa website ng ICC, hiniling ni ICC Acting Prosecutor Mame Mandiaye Niang na payagan silang magsumite ng mga transcript at kaugnay na materyal ng mga saksing sina P-1087, P-1151, P-1158, P-1161, at P-1204 (tinutukoy bilang Five Witnesses).