National
Politiko sa Mindanao na dawit umano sa nabistong P3.5B shabu smuggling sa Laos, tinukoy ng DILG
Tinukoy ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang politiko mula sa Mindanao na umano’y sangkot sa tangkang pagpupuslit ng shabu na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon mula sa Laos na patungong Pilipinas.
By GISELLE OMBAY, GMA News139K reads

Tinukoy ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang politiko mula sa Mindanao na umano’y sangkot sa tangkang pagpupuslit ng shabu na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon mula sa Laos na patungong Pilipinas.
Sa Palace briefing nitong Biyernes, kinilala ni Remulla ang Mindanao politician na si Edriezan Hadji Nasser Rimbang, dating miyembro ng Bangsamoro Parliament.
Ipinakita rin sa pulong balitaan ang diagram na nag-uugnay sa mga tao na umano’y sangkot sa planong pagpupuslit ng 521 kilo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu.



