National
P96 kada araw para hindi maituring 'mahirap' ang isang tao, hindi na updated--PIDS
Inilahad ng isang senior research fellow mula sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na hindi na updated ang metodolohiyang ginamit na sapat na P96 sa isang tao kada araw upang makakain at hindi maibilang
By JAMIL SANTOS,GMA News151K reads

Inilahad ng isang senior research fellow mula sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na hindi na updated ang metodolohiyang ginamit na sapat na P96 sa isang tao kada araw upang makakain at hindi maibilang sa mga mahirap.
“Hindi nangangahulugan na kapag ikaw ay P100, maginhawa 'yung buhay mo. Hindi sinasabi ‘yon. So 'yung P96 na 'to ginagamit lamang itong indicator para ma-classify ang mga tao,” paliwanag ni Dr. John Paolo Rivera, senior research fellow sa PIDS, sa kaniyang guesting sa segment na On Record ng “Unang Hirit” nitong Martes.



