National
Dating PBA player na si PJ Simon, pumanaw sa edad na 46
Pumanaw nitong Biyernes ang 46-anyos na dating PBA player na Peter June ‘PJ’ Simon. Sa mga lumabas na video online, nakasaad na naglalaro ng basketball sa Mindanao si Simon nang makaranas ng medical emergency.
By GMA News Online94K reads

Pumanaw nitong Biyernes ang 46-anyos na dating PBA player na Peter June ‘PJ’ Simon. Sa mga lumabas na video online, nakasaad na naglalaro ng basketball sa Mindanao si Simon nang makaranas ng medical emergency.
Ngayong Sabado ng madaling araw, kinumpirma ng dati niyang koponan na Magnolia Hotshots ang malungkot na balita.
“May iisa lang na Peter June Simon,” saad ng koponan sa post kung saan naglaro si Simon na mula 2004 hanggang 2020.



