National
P5-M halaga ng mga 'di rehistradong glutathione drip at injectibles, nasabat ng NBI sa QC
Kahon-kahong mga hindi rehistradong glutathione drip at injectables na tinatayang aabot sa P5 milyon ang halaga ang nasabat ng National Bureau of Investigation - National Capital Region sa isang bahay sa Quezon City.
By GMA News128K reads

Sa ulat ni John Consulta sa Unang Balita nitong Miyerkoles, mapanonood na kinailangan pang umakyat ng mga ahente ng NBI-NCR ang gate ng bahay.
Pagpasok nila sa loob, puwersahan nilang binuksan ng pinto, at bumungad sa loob ang mga glutathione injectables na may samu’t saring tatak.