Bumaba ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., habang halos hindi naman nagbago ang ratings ni Vice President Sara Duterte sa pinakabagong survey ng OCTA Research Group.
Batay sa non-commissioned survey ng OCTA na Tugon ng Masa, na inilabas nitong Miyerkules, nakasaad na bumaba sa 45% noong Setyembre ang trust rating ni Marcos mula sa 49% noong Hulyo.