National
Mag-ina, patay sa sunog sa Caloocan; padre de pamilya at 1 pang anak, sugatan
Nasawi ang isang ina at kaniyang anak, habang sugatan naman ang kanilang padre de pamilya at isa pa nilang anak matapos masunog ang kanilang bahay sa Caloocan City nitong madaling-araw ng Lunes.
By GMA News188K reads

Nasawi ang isang ina at kaniyang anak, habang sugatan naman ang kanilang padre de pamilya at isa pa nilang anak matapos masunog ang kanilang bahay sa Caloocan City nitong madaling-araw ng Lunes.
Sa ulat ni James Agustin sa GMA News 24 Oras, sinabing naganap ang sunog sa Velasco Street sa Barangay 7 dakong 4:00 a.m. Makikitang tumutulong ang mga residente sa mga bumbero na apulahin ang sunog.
Pero hindi pinalad na mailigtas 50-anyos na ina, at ang walong-taong-gulang niyang bunsong anak na babae. Nagtamo naman ng mga paso sa katawan ang padre de pamilya at isa pa nilang anak, na dinala sa ospital.



