National
Live-in partner na POI sa kaso ng babaeng nakitang patay at nakasilid sa ref sa Rizal, inaresto sa ibang kaso
Dinakip ang live-in partner ng babaeng nakitang patay at nakasilid sa refrigerator sa isang apartment sa Rizal, na itinuturing person of interest (POI) sa krimen. Ang lalaki, dinakip sa ibang kaso na isinampa ng kasambah
By GMA News59K reads

Dinakip ang live-in partner ng babaeng nakitang patay at nakasilid sa refrigerator sa isang apartment sa Rizal, na itinuturing person of interest (POI) sa krimen. Ang lalaki, dinakip sa ibang kaso na isinampa ng kasambahay.
Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing naaresto ang 32-anyos na lalaki sa loob ng kaniyang sasakyan sa tapat ng isang convenience store sa Aurora Boulevard, Cubao, Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.



