National
Level-up na Ensaymada, ginamitan ng katutubong paraan ng paggawa at nilagyan ng munggo
Isang kababayan ang level-up sa kaniyang paggawa ng ensaymada, na bukod sa katutubo ang pamamaraan, nilagyan pa niya ito ng munggo.
By JAMIL SANTOS,GMA News155K reads

Isang kababayan ang level-up sa kaniyang paggawa ng ensaymada, na bukod sa katutubo ang pamamaraan, nilagyan pa niya ito ng munggo.
Sa nakaraang episode ng I Juander, itinampok si AJ Dineros, na sinisiksikan ng munggo ang kaniyang ensaymada.
Ginagamitan niya ito ng lata na aluminum foil bilang pugon, na may apoy sa ibabaw at ilalim para hindi mahilaw ang tinapay.
Pamilya ng panadero sina AJ, kaya nang tumigil siya sa kolehiyo, ang tinapay ang kaniyang naging paraan ng pagkakakitaan.



