National
4 na alagang aso, patay sa nasunog na bahay sa Pangasinan; perang inipon para sa kasal, naabo rin
Nasawi ang apat na alagang aso ng isang pamilya sa Urdaneta, Pangasinan nang masunog ang kanilang bahay nitong Huwebes.
By GMA News133K reads

Nasawi ang apat na alagang aso ng isang pamilya sa Urdaneta, Pangasinan nang masunog ang kanilang bahay nitong Huwebes.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Poblacion nitong Huwebes ng hapon.
Sa CCTV footage, makikita ang isang lalaki na lumabas mula sa bahay at may tinangnan sa bubungan. Doon na niya nakita na nasusunog na ang kanilang bahay.



