National
Kolehiyala sa Lipa, Batangas, ipinatumba umano ng manliligaw sa halagang P10k; 2 suspek, huli na
Naaresto na ang umano’y sumaksak at ang utak sa ginawang pagpatay sa 20-anyos na kolehiyala sa Lipa, Batangas. Pag-amin ng isa sa suspek, inutusan siya ng mastermind na matagal na umanong manliligaw ng biktima na patayin
By GMA News58K reads

Naaresto na ang umano’y sumaksak at ang utak sa ginawang pagpatay sa 20-anyos na kolehiyala sa Lipa, Batangas. Pag-amin ng isa sa suspek, inutusan siya ng mastermind na matagal na umanong manliligaw ng biktima na patayin ang dalaga kapalit ng P10,000 dahil hindi sinasagot nito.
Sa ulat ni Joseph Morong sa GMA News Saksi nitong Lunes, sinabing crime of passion ang nakikita ng mga awtoridad na motibo sa pananaksak at pagpatay sa biktimang si Jazmine Iya Martinez.



