National
Inakalang aso sa gitna ng kalsada sa dis-oras ng gabi, batang 1-taong-gulang pala
Laking gulat ng isang rider at kaniyang angkas nang makita nilang bata at hindi aso ang nakaupo sa gitna ng kalsada na dadaanan nila sa Quezon City sa dis-oras ng gabi noong Linggo.
By GMA News53K reads

Laking gulat ng isang rider at kaniyang angkas nang makita nilang bata at hindi aso ang nakaupo sa gitna ng kalsada na dadaanan nila sa Quezon City sa dis-oras ng gabi noong Linggo.
Sa ulat ni Jun Veneracion sa GMA News 24 Oras nitong Martes, ipinakita ang video na kuha ng rider na todo sa pagbusina nang may mapansin silang nakaupo sa gitna ng kalsada sa West Avenue bago maghating-gabi noong Linggo.
Pero nang makalapit na sila sa inakalang aso, nakita nila na isa itong bata na nakaupo sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang daw at nakita nila agad ang paslit dahil may kabilisan ang mga sasakyan na nakasunod sa kanila.



