National
Endangered na giant cloud rat o 'kurimaong,' nailigtas sa Cagayan
Nailigtas ang isang endangered na Northern Luzon Giant Cloud Rat, na kilala rin sa tawag na “Kurimaong” sa Lasam, Cagayan.
By GMA News48K reads

Nailigtas ang isang endangered na Northern Luzon Giant Cloud Rat, na kilala rin sa tawag na “Kurimaong” sa Lasam, Cagayan.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing nakita ang kurimaong sa isang puno ng niyog sa Barangay Kabatacan East sa Lasam, Cagayan.
Ayon sa mga nakakita, nag-aani sila sa lugar nang makita nila ang kurimaong na mas sugat at nanghihina.



