National
Bagong operating hours ng malls sa Metro Manila para iwas-trapik sa kapaskuhan, sisimulan sa November 16
Sisimulan nang i-adjust ang operating hours ng mga shopping mall sa Metro Manila simula Nobyembre 16 bilang bahagi ng mga hakbang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang maibsan ang pagsisikip ng daloy
By GMA News45K reads

Sisimulan nang i-adjust ang operating hours ng mga shopping mall sa Metro Manila simula Nobyembre 16 bilang bahagi ng mga hakbang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko ngayong holiday season.
Napagkasunduan umano ng iba't ibang mall operator at MMDA na magbubukas ang mga shopping mall mula 11:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi, simula sa Nobyembre 16 hanggang Disyembre 25, 2026



