National
US Sec. of War Hegseth at mga kasama, sinita ng bantay sa libingan ng mga sundalo dahil maingay; bantay, binigyan ni Hegseth ng medal
Dahil sa malakas na tawanan sa Tomb of the Unknown Soldier, pasigaw na sinita ng isang sundalong bantay ang Secretary of War ng Amerika na si Pete Hegseth at grupo nito nang bumisita sa nasabing libingan sa Virginia, USA
Ni GMA News33K nabasa

Dahil sa malakas na tawanan sa Tomb of the Unknown Soldier, pasigaw na sinita ng isang sundalong bantay ang Secretary of War ng Amerika na si Pete Hegseth at grupo nito nang bumisita sa nasabing libingan sa Virginia, USA. Ang nanita at sumigaw na bantay, ipinatawag ni Hegseth hindi para pagalitan kung hindi para bigyan ng medalya dahil sa pagtupad sa tungkulin.



