Asahan ng mga motorista ang panibagong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa mga pagtataya base sa resulta ng kalakalan sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at average ng palitan ng piso kontra dolyar sa nakalipas na apat na araw, sinabi ng isang source mula sa oil industry na posibleng ipatupad ang mga sumusunod na bawas-presyo:
  • Diesel - P2.35 hanggang P2.55 per liter
  • Gasoline - P2.00 hanggang P2.15 per liter