National
US, pormal na hiniling na makuha at malitis sa kanila si Quiboloy sa Makati court - DOJ
Inihain na sa Makati Regional Trial Court (RTC) ang kahilingan ng pamahalaan ng Amerika na i-extradite o makuha ang kustodiya ng founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy upang malitis sa kaniyang b
Ni LYJAH TIFFANY BONZO, GMA News60K nabasa

Inihain na sa Makati Regional Trial Court (RTC) ang kahilingan ng pamahalaan ng Amerika na i-extradite o makuha ang kustodiya ng founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy upang malitis sa kaniyang bansa, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Nitong Martes, sinabi ng DOJ, na inihain ng US ang petisyon nitong Lunes, Nobyembre 9, 2026, at na-raffle sa Makati RTC Branch 145. Bukod kay Quiboloy, saklaw din ng kahilingan para sa extradition sina Teresita Dandan at Helen Panilag.



