National
Shabu na nagkakahalaga ng P1.36B na galing Laos, nakumpiska sa Manila port — PDEA
Nasabat sa Manila International Container Port (MICP) sa North Harbor, Maynila nitong Miyerkoles ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 200 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.36 bilyon mula sa isang kargamento na nangga
Ni GMA News96K nabasa

Nasabat sa Manila International Container Port (MICP) sa North Harbor, Maynila nitong Miyerkoles ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 200 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.36 bilyon mula sa isang kargamento na nanggaling sa Laos.
Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na natagpuan ang mga ilegal na droga na nakalagay sa mga plastic bag sa itinago sa mga kahong karton na ilang araw nang hindi kinukuha.



