National
September inflation rate, sumirit sa 7.2%; pinakamabilis mula March 2023
Sumirit sa 7.2% ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Pilipinas nitong nakaraang Setyembre 2026. Dahil dito, naputol ang apat na magkakasunod na buwan nang pagbaba nito, ayon sa Ph
Ni TED CORDERO, GMA News124K nabasa

Sumirit sa 7.2% ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Pilipinas nitong nakaraang Setyembre 2026. Dahil dito, naputol ang apat na magkakasunod na buwan nang pagbaba nito, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.
Sa press briefing, iniulat ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na mas mataas ng 1.1% ang inflation rate noong nakaraang buwan kumpara sa 6.1% na naitala nitong Agosto.



