Inirereklamo ng mga mangingisda, residente, at resort owners sa Cabalitian island. ang mga fish cage na pag-aari umano ng dalawang Chinese nationals, na itinayo sa Calpay Shoal sa Sual, Pangasinan, na hindi kalayuan sa isla.
Sa ulat ni Jasmin Gabriel-Galban sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing naapektuhan na ang pangingisda sa shoal ng mga residente ng Cabalitian dahil itinataboy sila ng mga bantay sa fish cages.