National
Senate court, pinayagan ang prosekusyon na iatras ang 3 articles of impeachment vs Sara Duterte
Tinanggap ng Senate impeachment court nitong Martes ang hakbang ng House prosecution panel na iatras ang tatlo sa apat na Articles of Impeachment na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte.
Ni JAMIL SANTOS,GMA News66K nabasa

Tinanggap ng Senate impeachment court nitong Martes ang hakbang ng House prosecution panel na iatras ang tatlo sa apat na Articles of Impeachment na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Senate impeachment court presiding officer Francis Escudero ang desisyon matapos sabihin ng prosekusyon sa korte ng Senado na hindi na nito itutuloy ang tatlong Articles of Impeachment at pananatilihin lamang ang isa: Artikulo 2 tungkol sa pag-iipon ng hindi maipaliwanag na kayamanan dahil sa hindi pagsisiwalat ng mga ari-arian sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at hindi pag-divest ng mga interes sa negosyo sa kabila ng pagbabawal ng Konstitusyon.



