National
SAYANG!: Alex Eala, kinapos sa muling pagtutuos nila ni Diana Shnaider sa Pan Pacific Open
Nagtapos na ang kampanya ni Alexandra 'Alex' Eala sa Pan Pacific Open sa Japan matapos na mabigong muli kontra sa Russian na si Diana Shnaider, 2-6, 7-6(5), 6-4, sa isang matinding quarterfinals na laban nila nitong Biye
Ni GMA News192K nabasa

Nagtapos na ang kampanya ni Alexandra 'Alex' Eala sa Pan Pacific Open sa Japan matapos na mabigong muli kontra sa Russian na si Diana Shnaider, 2-6, 7-6(5), 6-4, sa isang matinding quarterfinals na laban nila nitong Biyernes.
Sa unang set, bagaman si Shnaider ang nanalo sa unang game, sunod-sunod naman na kinabig ni Eala ang limang game upang makuha ang kontrol sa laban.



