Asahan ng mga motorista ang panibagong pagtaas sa presyo ng diesel sa susunod na linggo, habang mababawasan naman muli ang halaga ng gasolina.
Batay sa mga pagtataya sa galaw ng kalakalan sa Mean of Platts Singapore at average sa palitan ng piso kontra US dollar sa nakalipas na apat na araw, inaasahan ng oil industry source ang magiging pagbabago sa presyo ng langis sa linggo na:
  • Dagdag na P1.50 hanggang P2.50 bawat litro sa diesel
  • Bawas ng P1.00 hanggang P1.50 bawat litro sa gasolina