National
Piso, nagtala ng bagong record low na P63:US$1
Humina pa lalo ang halaga ng piso kontra dolyar ng Amerika sa ikatlong sunod na araw ng kalakalan sa merkado nitong Huwebes. Nagkakahalaga na ngayon ng P63 ang kada US$1 upang magtala ng panibagong record low. Sa gitna i
Ni JON VIKTOR D. CABUENAS, GMA News155K nabasa

Humina pa lalo ang halaga ng piso kontra dolyar ng Amerika sa ikatlong sunod na araw ng kalakalan sa merkado nitong Huwebes. Nagkakahalaga na ngayon ng P63 ang kada US$1 upang magtala ng panibagong record low. Sa gitna iyan ng tinawag ng isang ekonomista na “series of unfortunate events.”
Bumaba ng 19 sentimos ang halaga ng piso at nagsara nitong Huwebes sa P63.06 kada dolyar, mula sa P62.87 kada dolyar noong Miyerkules. Ito na ang ika-27 record low ng piso ngayong taon, na lumagpas sa naitalang P62.90 kada dolyar noong Oktubre 8, 2026.



