National
Piso, halos umabot muli sa P64-$1 nitong Martes; pero nagpakita pa rin ng lakas sa huli
Muntik nang umabot muli sa P64 kada isang dolyar ng Amerika ang halaga ng piso sa kalakalan ng merkado nitong Martes. Sa huli, nagpakita pa rin ito ng lakas na nagsara na mas mataas kumpara nitong Lunes laban sa dolyar.
Ni TED CORDERO, GMA News169K nabasa

Muntik nang umabot muli sa P64 kada isang dolyar ng Amerika ang halaga ng piso sa kalakalan ng merkado nitong Martes. Sa huli, nagpakita pa rin ito ng lakas na nagsara na mas mataas kumpara nitong Lunes laban sa dolyar.
Umabot sa pinakamababang halaga na P63.99 kada dolyar ang piso at pinakamataas naman sa halagang P63.73 kada dolyar sa intraday trading.
Ayon kay Michael Ricafort, chief economist ng Rizal Commercial Banking Corp., suportado ang paglakas ng US dollar ng mga inaasahang agresibong hakbang ng US Federal Reserve sa pagtataas ng interes, mataas na yields ng US Treasury bonds, at kawalang ng katiyakan sa geopolitical situation.



