National
Pet crematorium na 'di naman na-cremate ang pet kahit bayad, ano ang kasong maaaring kaharapin?
Labis ang pagdadalamhati ng mga ilang pet owner matapos mag-viral ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga yumao nilang alagang aso at pusa, na mga itinapon sa gilid ng kalsada sa San Jose del Monte, Bulacan, sa halip na i-
Ni JAMIL SANTOS,GMA News60K nabasa

Labis ang pagdadalamhati ng mga ilang pet owner matapos mag-viral ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga yumao nilang alagang aso at pusa, na mga itinapon sa gilid ng kalsada sa San Jose del Monte, Bulacan, sa halip na i-cremate ng isang pet crematorium sa Cavite. Ano nga ba ang maaaring kaharaping parusa ng pet crematorium kung mapapatunayang nagkaroon ito ng kapabayaaan?
Sa “Ask Atty. Gaby” sa Unang Hirit, sinabi ni Atty. Gaby Concepion na kung talagang may sangkot na panloloko at hindi sumailalim sa cremation ang mga alagang hayop at hindi rin totoong abo ng mga hayop ang ibinalik sa mga owner, kaso ito ng estafa o swindling sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.



