National
Pari sa Ecuador, nasawi matapos mabagsakan ng malaking krus habang nagmi-Misa sa harap ng altar
Nasawi ang isang pari sa Guayaquil, Ecuador matapos siyang mabagsakan ng malaking krus habang nagdaraos ng banal na Misa sa harap mismo ng altar nitong Sabado.
Ni GMA News167K nabasa

Nasawi ang isang pari sa Guayaquil, Ecuador matapos siyang mabagsakan ng malaking krus habang nagdaraos ng banal na Misa sa harap mismo ng altar nitong Sabado.
Nahulog ang kahoy na krus na nakadikit sa dingding at tumama sa nasawing si Fr. Patricio Sanchez.
Nakatalikod siya sa krus kaya hindi niya napansin ang pagbagsak nito.



