National
Pang-tuition na ginamit na puhunan sa negosyong 'tumbong,' lumago
Ipinakita ng isang business-minded na Gen Z ang kaniyang tapang ng loob nang ang P50,000 na kaniyang inipon para sa pang-tuition fee niya, ginamit niyang puhunan sa negosyong "tumbong". Ang kaniyang sakripisyo, nagbunga
Ni JAMIL SANTOS,GMA News106K nabasa

Ipinakita ng isang business-minded na Gen Z ang kaniyang tapang ng loob nang ang P50,000 na kaniyang inipon para sa pang-tuition fee niya, ginamit niyang puhunan sa negosyong "tumbong". Ang kaniyang sakripisyo, nagbunga dahil kumikita na siya ngayon ng P50,000 hanggang P60,000 kada buwan.
Sa nakaraang episode ng Pera Paraan, itinampok ang negosyong kainan ni Laarni Manalaysay, na ang mga inihahain ay mula sa iba't ibang luto ng "tumbong" ng baboy.



