Nakasanayan at dati na umanong ginagawa sa Senado ang pagbabaklas ng mga fixture at iba pang materyales sa tanggapan ng isang senador na nababakante, ayon sa staff ni Senador Jinggoy Estrada.
Naglabas ng pahayag ang staff ni Estrada nitong Martes matapos kumalat online ang mga video na nagpapakitang halos walang natira sa kuwarto ng Senate President Pro Tempore na dating ginagamit ni Estrada.
Bukod sa mga fixture, binaklas din ang tiles at iba pang kagamitan sa opisina.