National
Off-duty na pulis na umano'y lasing, kinuyog ng mga lalaki na kaniyang sinita nang makitang may dala siyang baril
Sa ospital ang bagsak ng isang pulis matapos siyang kuyugin ng ilang lalaki na kaniyang sinita sa gilid ng daan sa Antipolo, Rizal. Ang pulis, off-duty, nakasibilyan at lasing umano nang mangyari ang insidente, ayon sa i
Ni GMA News135K nabasa

Sa ospital ang bagsak ng isang pulis matapos siyang kuyugin ng ilang lalaki na kaniyang sinita sa gilid ng daan sa Antipolo, Rizal. Ang pulis, off-duty, nakasibilyan at lasing umano nang mangyari ang insidente, ayon sa ilang saksi.
Sa ulat ni EJ Gomez sa GMA News “24 Oras” nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay San Jose noong Sabado ng madaling araw.



