National
Negosyante at kaniyang driver, patay sa pamamaril habang nagpapagasolina sa Panabo City
Patay ang isang 48-anyos na negosyante at kaniyang 53-anyos na driver matapos silang pagbabarilin habang sakay ng pickup truck sa Panabo City, Davao del Norte.
Ni GMA News129K nabasa

Patay ang isang 48-anyos na negosyante at kaniyang 53-anyos na driver matapos silang pagbabarilin habang sakay ng pickup truck sa Panabo City, Davao del Norte.
Sa ulat ni Danica Reneses sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes, sinabing nangyari ang krimen sa isang gasolinahan sa Barangay Nanyo nitong Biyernes ng hapon.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapagasolina ang mga biktima nang lapitan sila ng salarin na nakasakay sa motorsiklo at pinagbabaril.



