National
Mga sundalo, muling tinambangan sa Basilan; ilang araw matapos bumisita roon si DND Sec. Teodoro
Pitong sundalo at ilang sibilyan ang nasugatan sa panibagong insidente ng ambush sa Basilan nitong Huwebes. Nangyari ang pag-atake ilang araw pa lang ang lumilipas matapos bumisita sa lalawigan si Defense Secretary Gilbe
Ni GMA News160K nabasa

Pitong sundalo at ilang sibilyan ang nasugatan sa panibagong insidente ng ambush sa Basilan nitong Huwebes. Nangyari ang pag-atake ilang araw pa lang ang lumilipas matapos bumisita sa lalawigan si Defense Secretary Gilberto Teodoro, bunga ng naunang pananambang na nangyari noong Lunes.
Batay sa paunang impormasyon, mga sundalo mula sa 45th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga sundalong sugatan sa ambush sa Barangay Sabong sa Lamitan City, Basilan, na nangyari dakong 6:50 PM nitong Huwebes.



