Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos niyang pagnakawan ang isang bahay at tumangay ng mga gamit—kabilang ang ilang mamahaling relo smart TV welding machine at ilang sapatos— sa Barangay Tinajeros, Malabon.
Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa GTV Balitanghali nitong Miyerkoles, makikita na nagkalat ang gamit sa bahay nang datnan ng mga awtoridad nitong Huwebes ng madaling araw, Oktubre 8.