National
Lalaking nagnakaw ng cellphone sa gadget store, hinabol ng mga tao sa Pangasinan
Nahuli ang isang lalaking nagnakaw ng cellphone sa isang gadget store matapos siyang habulin ng mga tao sa Calasiao, Pangasinan.
Ni GMA News153K nabasa

Nahuli ang isang lalaking nagnakaw ng cellphone sa isang gadget store matapos siyang habulin ng mga tao sa Calasiao, Pangasinan.
Batay sa impormasyon mula sa GMA Regional TV, na iniulat sa Balitanghali nitong Huwebes, mapanonood ang pagtakbo ng ilang tao upang kabulin at mahuli ang umano’y magnanakaw.
Bago nito, nagpanggap ang suspek na bibili sa isang gadget store. Nagkunwaring magbabayad na ang suspek nang bigla nitong itinakbo palabas ng tindahan ang cellphone.



