National
Lalaki, patay matapos ma- suffocate sa loob ng hinuhukay na balon sa Tuguegarao City
Nasawi ang isang lalaki, habang sugatan ang dalawang iba pa matapos silang ma-trap sa loob ng hinuhukay na balon sa Tuguegarao City, Cagayan.
Ni GMA News89K nabasa

Nasawi ang isang lalaki, habang sugatan ang dalawang iba pa matapos silang ma-trap sa loob ng hinuhukay na balon sa Tuguegarao City, Cagayan.
Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Balzain noong Lunes.
Na-suffocate umano ang biktima na dahilan ng pagkamatay nito sa balon. Dinala rin sa ospital ang dalawa niyang kasamahan na nakaligtas.



