National
Keanna Reeves, aminadong mas tipo ang mga lalaking mas bata sa kaniya
Inilahad ng 55-anyos na si Keanna Reeves, ang kasiyahan sa relasyon niya ngayon sa 27-anyos na si Briant Scott Lomboy. Bakit nga ba mas tipo ng aktres ang mga mas bata sa kaniya at papaano nagsimula ang kanilang love sto
Ni JAMIL SANTOS,GMA News88K nabasa

Inilahad ng 55-anyos na si Keanna Reeves, ang kasiyahan sa relasyon niya ngayon sa 27-anyos na si Briant Scott Lomboy. Bakit nga ba mas tipo ng aktres ang mga mas bata sa kaniya at papaano nagsimula ang kanilang love story ni Briant? Alamin.
“”Hindi kasi bago sa akin ‘to eh. Parang matagal na akong ganito,” sabi ni Keanna sa nakaraang guesting nila ni Briant sa programang “Kalurks!”
“Kahit nu’ng, high school pa ako, hindi ko rin [maipaliwanag kung] bakit gusto ko 'yung mga mas bata sa akin. Kaya, naki-carry ko siya hanggang ngayon, na parang normal lang sa akin. Dahil, yun talaga 'yung type ko, 'yung mas bata sa akin. Ayoko 'yung classmate ko, ayoko lalo na 'yung ahead sa akin. So, doon ako na-attract sa mas bata,” saad ni Keanna.



