National
Kapitan, sugatan nang saksakin ng nagwawalang babae sa Antipolo
Nagtamo ng mga sugat ang isang 65-anyos na barangay chairman matapos siyang masaksak ng isang babaeng huhulihin sana niya dahil sa pagwawala at panggugulo sa Antipolo City. Ang suspek, may nauna nang nasaksak na kaibigan
Ni GMA News149K nabasa

Nagtamo ng mga sugat ang isang 65-anyos na barangay chairman matapos siyang masaksak ng isang babaeng huhulihin sana niya dahil sa pagwawala at panggugulo sa Antipolo City. Ang suspek, may nauna nang nasaksak na kaibigan dahil umano sa droga.
Sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nasaksak sa tagiliran ang kapitan sa Barangay Dela Paz, Martes ng gabi.
Pinagtulungan siyang bigyan ng pangunang lunas.



