National
Kampo ni Sara Duterte, binatikos ang mga paratang ni Trillanes
Inalmahan ng kampo ni Vice President Sara Duterte nitong Sabado ang mga akusasyon ni dating senador Antonio Trillanes IV na nakatanggap umano sila ng kaniyang asawa ng daan-daang milyong piso mula sa China sa pamamagitan
Ni JAMIL SANTOS,GMA News132K nabasa

Inalmahan ng kampo ni Vice President Sara Duterte nitong Sabado ang mga akusasyon ni dating senador Antonio Trillanes IV na nakatanggap umano sila ng kaniyang asawa ng daan-daang milyong piso mula sa China sa pamamagitan ng kanilang mga organisasyon.
Ayon sa tagapagsalita ni Duterte na si Salvador Paolo Panelo Jr., ilang taon nang paulit-ulit na nagsisinungaling si Trillanes tungkol sa bise presidente at sa kaniyang pamilya.
"Since 2016, former Senator Antonio Trillanes IV has been peddling the same exhausted lies regarding extrajudicial killings (EJKs), fabricated drug links, imaginary unexplained wealth, baseless corruption allegations, and fictional China connections against the Duterte family," sabi ni Panelo sa isang pahayag.



