National
Ilang pulis, nag-'check-in' sa motel sa Maynila sa gitna ng ASEAN Summit?; PNP, dumepensa
Ipinagtanggol ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes ang nakitang naka-post sa social media na police mobile na nakaparada sa isang drive-in motel sa Maynila sa gitna ng security operation na ipinatutupad para
Ni JOVILAND RITA, GMA News84K nabasa

Ipinagtanggol ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes ang nakitang naka-post sa social media na police mobile na nakaparada sa isang drive-in motel sa Maynila sa gitna ng security operation na ipinatutupad para sa 49th ASEAN Summit.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Allen Rae Co, walang masama kung sa mga motel nagpapahinga ang mga pulis habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa naturang pandaigdigang pagtitipon na ginaganap ngayon sa Maynila.



