National
Flood drill, naging totoong rescue operation nang biglang bumaha sa Maguindanao del Sur
Naging totoong rescue operation sa mga residente ang isasagawa sanang pagsasanay o flood drill nang biglang bumaha sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur.
Ni GMA News46K nabasa

Naging totoong rescue operation sa mga residente ang isasagawa sanang pagsasanay o flood drill nang biglang bumaha sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing sanib-puwersa ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at mga pulis, mga taga-barangay disaster at Bureau of Fire Protection para saklolohan at ilikas ang mga residente mula sa binahang Barangay Talitay.
Nalubog din sa tubig ang Talitay Elementary School at ang designated evacuation center.



