National
Ex-Speaker Velasco, sasagutin ang mga alegasyon tungkol sa cash delivery sa tamang panahon, ayon sa abogado
Sinabi ng kampo ni dating House Speaker Lord Allan Velasco nitong Lunes na sasagutin nila ang lahat ng alegasyon laban sa mambabatas matapos nilang masuri ang mga dokumento. Ayon sa kanila, ngayon lamang nila pormal na n
Ni JOAHNA LEI CASILAO, GMA News31K nabasa

Sinabi ng kampo ni dating House Speaker Lord Allan Velasco nitong Lunes na sasagutin nila ang lahat ng alegasyon laban sa mambabatas matapos nilang masuri ang mga dokumento. Ayon sa kanila, ngayon lamang nila pormal na natanggap ang affidavit ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr.
Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) ang abogado ni Velasco na si Atty. Rowell Ilagan upang tugunan ang imbitasyon ng ahensya kaugnay ng alegasyon ni Gracioso na inutusan umano siya ng dating Speaker na naghatid siya ng pera kina Vice President Sara Duterte, Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte, at dating Pangulong Rodrigo Duterte, alinsunod umano sa utos ni Velasco.



