National
Culion, Palawan na lugar noon ng mga may 'ketong,' ginawan ng sariling currency o pera
May mga natatangi at kahanga-hangang sikreto ang bayan ng Culion sa Palawan. Gaya ng pagkakaroon nito ng sariling currency o pera noong ginawa itong “leper colony,” o lugar kung saan dinadala ang mga may leprosy o ketong
Ni JAMIL SANTOS,GMA News99K nabasa

May mga natatangi at kahanga-hangang sikreto ang bayan ng Culion sa Palawan. Gaya ng pagkakaroon nito ng sariling currency o pera noong ginawa itong “leper colony,” o lugar kung saan dinadala ang mga may leprosy o ketong.
Sa nakaraang episode ng “Biyahe ni Drew,” sinabing matatagpuan sa Culion Museum and Archives sa Barangay Libis ang ilan sa mga sikreto ng bayan.
Ayon kay John “Jano” Fetalino, Culion Public Information Officer, isang dating laboratory ang museum kung saan pinag-aralan noon ang gamot para sa ketong.



