Nagpahayag sa Senate impeachment court ang prosecution panel ng Kamara de Representantes na aalisin na nito sa ginagawang paglilitis kay Vice President Sara Duterte ang Article III na may kaugnayan sa alegasyon ng panunuhol laban sa huli.
Sa isang press conference nitong Biyernes, sinabi ni House prosecutor Keith Flores, na nakapagdesisyon na ang prosecution team at ipinaalam na ito sa Senado.