National
Binatilyo, patay matapos mahulog sa sapa ang minamanehong motorsiklo sa Ilocos Norte
Nasawi ang isang binatilyo matapos mahulog sa sapa ang minamanehong motorsiklo sa Barangay Tambidao, Bacarra sa Ilocos Norte.
Ni GMA News113K nabasa

Nasawi ang isang binatilyo matapos mahulog sa sapa ang minamanehong motorsiklo sa Barangay Tambidao, Bacarra sa Ilocos Norte.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, lumalabas sa imbestigasyon nag-overshoot ang motorsiklo na minamaneho ng biktima sa pakurbang bahagi ng kalsada at nahulog sa sapa na may lalim na apat na talampakan.
Kaagad namang natulungan ang biktima at itinakbo sa ospital pero hindi na siya umabot nang buhay.



